2 bata hinalay/pinatay ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Dalawang batang babae ang natagpuang patay matapos na ito ay halayin ng kanilang kapitbahay sa liblib at bulubunduking lugar sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Marrytis Buhayan, 8-anyos at kalaro nitong si Meljoy Delantar, 3- anyos.

Ang mga biktima na kapwa tadtad ng taga sa katawan at basag pa ang ulo at mukha dahil sa pagpukpok ng matigas na bagay.

Ang suspek na natukoy dahil sa naiwan at duguang kulay dalandan na t-shirt nito sa crime scene ay nakilalang si  Sabate Cobio alyas Tata, kapitbahay ng pamilya ng dalawang bata.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubre ang krimen matapos na makita ang kapwa hubo’t hubad ang dalawang paslit na itinapon sa madamong bahagi sa paanan ng bundok may ilang metro ang layo sa bahay ng mga ito.

Nabatid na naglala­ro ang mga paslit ng nasabing araw at ilang oras ay nawala ang mga ito  kaya’t hinanap ng kanilang mga magulang at sa tulong ng mga opis­yal ng barangay ay natagpuan ang bangkay ng mga ito.

Show comments