5 hijacker huli

MANILA, Philippines - Huli ang limang katao at nabawi ang kalahating truck ng idedeliber na softdrinks at mineral water sa FB Harrison St., sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Senior  Insp.Rizalino Ibay, hepe ng MPD-ANCAR, nadakip ang mga hijacker sa isinagawang follow-up ope­ra­tion na kinilalang sina Richard Pleno-Udan ng  Phase 2, Block 2, Lot 18, Bagong Silang,  Caloocan City, driver at pahinante nitong si Erwin Duran, ng  President Quirino Avenue, Panda­can, Maynila, Delfin Hifarva, negosyante ng  FB Harrison, Pasay City; Sa­muel Angconombe at Arjay Almadra na hinuli naman dahil sa pagbili ng mga nakaw na produkto.

Nabatid na naghain ng sumbong at reklamo ang negosyanteng si Louie Maglalang kaugnay sa pag­kawala ng delivery truck nito na may plakang  NRI-649  na may kargang softdrinks noon Pebrero 22, 2013, dakong alas-6:00 ng umaga, na ipinarada sa tapat ng kanilang establisyemento sa Mendiola Ex­tension, Pandacan, Maynila.

Agad namang nagsa­gawa ng follow-up ope­ra­tion ang mga awtoridad na nagresulta ng pagka­kabawi ng sasakyan at natitira pang produkto.

 

Show comments