Hamon ng AGAP sa pamahalaan... Smuggling ng agri-product, tuldukan

MANILA, Philippines - Tuldukan na ang nagaganap na smuggling ng produktong pang-agrikultura ng bansa.

Ito ang hamon ng mga magsasaka, magmamanok at magbaba­baboy sa pangunguna ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist Rep. Nicanor “Nikki” Briones  sa gobyernong Aquino.

Sinabi Rep. Briones, anim na bilyong piso ang nawawalang buwis sa kaban ng bayan sa smuggling ng baboy, manok, bigas at sibuyas.

Ayon kay Briones, kung ano ang  atensyon na binibigay ng pamahalaan sa Port Irene sa Cebu dahil sa smuggling ng mga imported na sasakyan ay dapat ganun din ang ilaan nito sa mga agricultural products.

Sa ngayon, anang mambabatas ay lugmok sa kahirapan ang mga magsasaka, magmamanok at magbababoy  dahil sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura.

Isinusulong ng AGAP ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ang sambayanan Pi­lipino kaya nanana­wagan si Briones na sugpuin na ang smuggling ng produktong pang-agrikultura.

 

Show comments