MANILA, Philippines - Namatay noon din ang spokesman ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) matapos itong baÂrilin nang malapitan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Manoc-Manoc II, Boracay Island, Malay, Aklan.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Dexter Condez, 26-anyos, residente ng Brgy. Manoc-Manoc sa nasabing isla.
Sa ulat ni Boracay TouÂrist Police Assistance Center (BTPAC) Chief P/Sr. Inspector Joeffer Cabural, bandang alas-9:08 ng gabi habang pauwi at naglaÂlakad ang biktima galing sa pagpupulong sa Brgy. Balabag ay sinundan ito ng suspek at malapitang pagbabarilin.
Ayon sa mga tao sa lugar na nakarinig sila ng waÂlong sunud-sunod na putok kaya’t sa takot ay nagkanya-kanya ang mga turista na nagtakbuhan.
Sinamantala naman ng suspek ang pagkakagulo ng mga turista.
Narekober naman ng mga nagrespondeng eleÂmento ng BTPAC ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril.
Pinaniniwalaan naman ng pulisya na alitan sa lupain ang motibo ng pamamaslang.