MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7 na umabot sa 88 katao na nakaratay ngayon sa ospital matapos tamaan ng sakit na diarrhea ang 21 barangay sa bayan ng Carmen, North Cotabato.
Kabilang sa mga dinapuan ng diarrhea ay nagkakaedad mula 3 buwang sanggol hanggang 64-anÂyos na pawang residente ng mga apektadong barangay sa nasabing bayan.
Ang Brgy. Luyang naman ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng mga apektado ng diarrhea na nasa 27 katao.
Ang 88 kataong nagkasakit ng diarrhea ay naitala sa loob ng 11 araw simula pa noong nakalipas na linggo hanggang kamakalawa.
Nilagyan ng mga local na opisyal ng chlorine ang suplay ng tubig na iniinom ng mga residente upang maibsan at mapigilan ang paglaganap pa ng diarrhea at pinayuhan din ang mga itong pakuluan muna ang kanilang mga inumin sa loob ng 30 minuto.
Inirekomenda rin ng mga health officials na isaÂgawa ang rehabilitasyon sa mga tubong daluyan ng tubig na pag-aari ng Uragay Water Works.