Mister timbog sa pagtangay at pag-rape sa dalagita

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na lalaki na wanted sa kasong pagdukot at panghahalay sa 13-anyos na dalagita noong nakalipas na Nobyembre sa Laguna ang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI). Ang suspek na nakakulong na sa NBI detention cell ay nakilalang si Sandy Babao Pelobello, may-asawa, ng Block 2,  Lot 6 Ville De Palm Subd., Barangay Santiago, General Trias, Cavite na naaresto noong Pebrero 13 ng mga tauhan ng miyembro ng NBI-Laguna District Office (LAGDO).

Batay sa ulat, na na­wala ang biktima noong Nobyembre 2012 at naba­litaan ng mga magulang na ito ay itinanan ng suspek.

Nang malaman ng suspek na naghahain ng reklamo ang ina, itinago nito ang biktima na itinagong “Isa” sa bahay ng kaniyang pinsan sa Manggahan, Dasmariñas, Cavite.

Dito ay binantaan ng suspek ang biktima na papatayin ang kanyang mga magulang kung iiwan siya.

Nitong Pebrero 2, nagawang magpakita ng biktima sa kaniyang pamil­ya at bumalik sa suspek noong Pebrero 10 dahil sa takot na gawin ang banta.

Nang magpaalam ang biktima sa suspek na nais niyang umuwi sa kaniyang magulang upang makapag-aral, binugbog umano ito ng suspek kaya’t tumakas ito at umuwi muli sa magulang.

Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang ina ng biktima na ipadampot ang suspek kung saan ang biktima pa ang nagturo kung saan ito matatagpuan.

Nadiskubre ng mga NBI na may nakabinbin pang outstanding warrant of arrest ang suspek mula sa Iloilo court kaugnay sa kasong rape.

 

Show comments