MANILA, Philippines - Inilarawan ni Team PNoy spokesman Rep. Ben Evardone isang papalubog na barko ang United Nationalist Alliance (UNA) dahil maging si independent senatorial candidate Brod. Eddie Villanueva ay ayaw sumama sa kanila.
Ito ang naging sagot ng Team PNoy sa paglaglag nila sa common candidates na sina Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero at Grace Poe-Llamanzares.
Samantala, nilinaw naman kahapon ni UNA secretary general at campaign manager Toby Tiangco na wala silang balak na kunin sina Bro. Eddie Villanueva, Mayor Edward Hagedorn at Rep. Teddy Casino bilang kapalit sa 3 guests candidates na tinanggal na nila.
Ayon kay Tiangco, bagaman at mataas ang tingin nila sa tatlong nabanggit na kandidato sa pagka-senador wala silang balak na punan ang posisyon ng mga tinanggal na common candidates.
Nilinaw din ni Tiangco na tinanggal na lamang nila sa listahan ng kanilang mga kandidato ang tatlong guest candidates upang mawala na ang obligasyon ng kowalisyon sa mga ito at makapag-move na sila. - Rudy Andal, Malou Escudero-