5 katao sugatan sa pagsabog

MANILA, Philippines - Isang uri ng eksplosibo ang sumabog na ikinasugat ng limang katao kabilang ang isang 4-an­yos na bata kamakalawa ng hapon sa Brgy. New Banicain, Olongapo City.

Ang mga biktima na isinugod sa James Gordon Memorial Hospital ay na­kilalang sina Angelito Doria, 35; Jovielyn Bruan, 29; Leonora Ugto, 33; John Mark Ugto, 4; at Bernabe Lacuata, 46.

Batay sa ulat ng pu­­lisya, dakong alas-2:00 ng hapon sa no. 19 Foster St., Brgy. New Banican ay may dala umanong uri ng pampasabog sina Doria at Lacuatana may mga wires at dalawang 1.5 alkaline battery nang ito ay  kanilang kalikutin at ilang sandali ay isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid na ikinasugat ng mga biktima.

Nabatid na ang uri ng pampasabog ay napulot ni Doria sa SND compound ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) noong nakalipas na Pebrero 16 na itinago nito sa kaniyang bahay.

 

Show comments