Itinakas na 3 Chinese drug lord ’di sakay ng BJMP vehicle

MANILA, Philippines - Inihayag ng  pamunuan ng Bureau of Jail and Management and Peno­logy (BJMP) na hindi lulan ng kanilang service vehicle ang tatlong itinakas na Chinese drug lord na sina  Li Lan Yan, misis nitong si Wang Li at Li Tian Hua noong Miyerkules ng umaga sa Trece Martires City, Cavite habang patungo sana ito  sa isang court hearing.

Ayon kay BJMP Officer-in-Charge C/Supt. Diony D. Mamaril na walang hurisdiksyon ang BJMP sa Cavite Provincial Jail kung saan nakakulong ang tatlong Chinese.

Sinabi rin ni Mamaril na ang lahat ng mga inmates, personnel at buong pasilidad ay nasa panganga­laga ng nasabing piitan.

Hindi rin gamit ng Cavite Provincial Jail ang sasakyan ng BJMP sa pag-escort nito sa tatlong Chinese nang maganap ang pang-aagaw at pagtakas sa mga ito ng may 20 armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet.

 

Show comments