MANILA, Philippines - Tinanggalan ng Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) ng Bureu of Customs ang 14 na kumpanya na nag-aangkat at kooperatiba ng bigas na kinabibilangan ng Conquistar Marketing, Dream the Dream Marketing, Happy Morning Enterprises, Kakampi MulÂti-Purpose Cooperative, KaÂÂpatiran Takusa Multi-PurÂpose Cooperative, MaÂliÂpampang Concerned CitiÂzens Multi-Purpose CooÂperative, Pinambaran FarÂmers Producers CooÂperative, Samahang MagÂsasaÂkang Kapampangan at Katagalugan Multi-Purpose Cooperative, ThunÂder Glutch Marketing, Ugnayang Magbubukid ng San Isidro, Inc., Vita Rose Marketing, Dragon Clash Enterprises, Masagana Import Export at King Casey Trading.
Ang hakbang na ito ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ay dahil na rin sa natanggap nitong reklamo na ang nabanggit na mga kumpanya at kooperatiba ay walang kakayahang mag-angkat ng malaking volume ng bigas at nakakapasok lamang ang kargamento ng mga ito dahil sa pinagkaÂloÂÂoban ang mga ito ng rice importation quotas ng National Food Authority (NFA).
Napag-alaman na ipiÂnagbabawal nang mag-imÂport ng mga bigas sa bansa ang nabanggit na mga kumpaya at kooperatiba, dahil hinala ng ICARE na giÂnaÂgamit lamang ang mga ito ng grupo ng mga smugÂgler para mag-smuggled ng mga bigas, na nabibili sa murang halaga at tax free pa.
Matapos rebisahin ang kakayahang pang-finanÂcial ng naturang mga kumÂpanya at kooperatiba at magsagawa ng inspection sa kanilang mga bodega ay hindi sila nakapasa sa itinakdang requirement ng BoC.