MANILA, Philippines - Mistulang eksena sa isang pelikula ang nangyaring pagharang ng may 20 armadong kalalakihan sa isang service vehicle ng Bureau of Jail ManaÂgement (BJMP) at dito ay itinakas ang tatlong Chinese drug lord na mga high profile na bilanggo na sakay nito para dumalo sana sa court hearing kahapon ng umaga sa Trece Martirez City, CaÂvite.
Ang mga suspek na itinakas ay kinilalang sina Li Tian Hua; Wang Li Na; at Li La Yan pawang nakaditine sa Cavite Provincial Jail kaugnay ng kaÂsong kinakaharap ng mga ito na may kinalaman sa paglabag sa Section 8 ng Article II ng Republic Act 9165 o illegal na pagmamanupaktura ng shabu.
Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang maganap ang pagliligtas ng mga suspek sa tatlong bilanggong Chinese sa tapat ng Forrest Park, Barangay Lapidario, Trece Martirez City.
Nabatid na hinaÂrang ng mga armadong kaÂlaÂÂlakihan na pawang naÂkasuot ng bonnet na sakay ng kulay puting van (WTT-544) at kulay berde ang service vehicle ng BJMP.
Dito ay tinutukan ang limang nakabantay na jail guard at puwersaÂhang kinuha ang tatlong Chinese drug lord at Edgardo Pineda na kasama sa sasakyan.
Hindi na nanlaban ang mga jailguard at kinuha ang kanilang mga service firearms ang mga suspek bago nagsitakas.
Kusang loob namang bumalik sa Provincial Jail si Pineda, may kasong murder at sinabi sa mga otoridad na pinababa siya ng mga armadong kalalakihan may higit 50 metro lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.
Napag-alaman mula kay Provincial Warden Romeo Montehermoso Jr., na ang tatlong Chinese ay naaresto sa sinaÂlaÂkay na shabu laboratory sa Parañaque at Tanza, Cavite.
Narekober din ng mga operatiba ang puting van na (WTT-544) na inabandona sa bahagi ng Brgy. Aguado, Trece Martirez City.