MANILA, Philippines - Nauwi sa pagpapaÂkamatay sa paÂmaÂmagitan nang pagÂbaril sa sarili ang isang lalaki matapos na damdamin nito ang pag-aaway nila ng kanyang nobya kamakalawa sa Pandacan, Maynila.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Arlie Dela Cruz, 27, ng 2117 Carlos St., East Zamora, Pandacan, MayÂnila.
Batay sa ulat, bago naÂganap ang pagpapaÂkaÂmatay ng biktima dakong alas-6:30 ng gabi sa kanyang kuwarto ay nakipag-inuman muna ito sa dalawang barkada na sina Kajeill Bautista at Kenneth Magada at naikuwento ang pag-aaway nila ng kanyang nobyang si Jai Dee.
Matapos ang inuman ay pumasok na ang biktima sa kuwarto at nagbaril na kung saan ay nakapagtext pa ito sa dalawang barkada na dalhin siya sa ospital.
Bago umano nalaÂgutan ng hininga ang biktima ay inihabilin pa nito sa dalawang kaibigan na huwag pabayaan ang kanyang kapatid.