^

Police Metro

Lovers quarrel tinapos sa suicide

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa pagpapa­kamatay sa pa­ma­magitan nang pag­baril sa sarili ang isang lalaki matapos na damdamin nito ang pag-aaway nila ng kanyang nobya kamakalawa sa  Pandacan, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay nakilalang si Arlie Dela Cruz, 27, ng 2117 Carlos St., East Zamora, Pandacan, May­nila.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang pagpapa­ka­matay ng biktima dakong alas-6:30 ng gabi sa kanyang kuwarto ay nakipag-inuman muna ito sa dalawang barkada na sina Kajeill Bautista at Kenneth Magada at naikuwento ang pag-aaway nila ng kanyang nobyang si Jai Dee.

Matapos ang inuman ay pumasok na ang biktima sa kuwarto at nagbaril na kung saan ay nakapagtext pa ito sa dalawang barkada na dalhin siya sa ospital.

Bago umano nala­gutan ng hininga ang biktima ay inihabilin pa nito sa dalawang kaibigan na huwag pabayaan ang kanyang kapatid.

ARLIE DELA CRUZ

BATAY

CARLOS ST.

EAST ZAMORA

JAI DEE

KAJEILL BAUTISTA

KENNETH MAGADA

PANDACAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with