Hindi makasampa ng barko… Seaman hinostage ang misis, sanggol at yaya

MANILA, Philippines - Mahigit sa limang oras na hinostage ng 38-anyos na mister na si Ruby Cuevas Boquilon ang sariling misis, sanggol na anak at kanilang yaya matapos makaranas ng nervous breakdown dahil sa sobrang pagka-desperado sa matagal na panahong hindi nakakasampa muli sa barko naganap kamakalawa sa Surigao City, Surigao del Norte.

Ang mga biktima ay ang mag-ina nitong sina Margelyn Boquilon, 32; 3 buwang sanggol na anak at ang yaya nitong si Ailyn Simbahon, 21-anyos.

Batay sa ulat ng Surigao City Police, bandang alas-11:00 ng tanghali ay kinakitaan na ng kaka­ibang ikinikilos si Ruby hanggang sa ikulong nito ang kaniyang mag-ina at si Simbahon sa kanilang silid saka hinostage gamit ang patalim pasado alas-12:00 ng hapon.

Nagpupumilit namang lumabas ang misis sa silid, subalit binantaan ang mga ito ng mister na papatayin.

Rumesponde sa lugar ang mga pulis nang hu­mingi ng tulong si dating Sison Mayor Juancho Ma­turan na kung saan ay bumuo ng Crisis Incident Management Task Group (CIMTG) sa pamumuno ni Supt. Joseph Norahar, Officer in Charge ng Su­rigao City Police.

Nag-demand ang suspek na makausap ang kaniyang amang si Bernandino at kapatid na si Rico Boquilon na kung saan ay bumagsak ang mahigit na limang oras ang negosasyon.

Napilitan na ang mga otoridad na gawin ang ka­ni­lang makakaya upang sunggaban si Ruby hanggang sa makawala ang mga biktima.

 

Show comments