Senglot utas sa gulpi ng kainuman

MANILA, Philippines - Namatay habang nila­lapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Manuel Diorico, 41-an­yos matapos hindi makaya ang mga natamong pasa mula sa bugbog ng ka­niyang kainuman sa Malate, May­nila, kamakalawa ng alas-4:45 ng hapon.

Ang suspek na nadakip ay nakilalang si Hernando Ocampo, 50, residente  ng no.1219 Meding St., Malate, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi noong Pebrero 16 nang maganap ang insidente sa panulukan ng Gonzalo at Meding Sts., Malate, Maynila.

Nabatid na lasing ang suspek at kahit kai­nu­man ang biktima ay na­ga­wang sitahin ang huli sa kasalanan hanggang sa magtalo at bugbugin pa ng una ang huli.

Naawat ng mga iba pang kainuman ang pam­bubugbog sa biktima at sa halip dalhin sa ospital ay ini­uwi lamang sa kaniyang bahay.

Kinabukasan (Peb.17) dakong alas-11:45 ng uma­ga ay dumating ang na­ka­­babatang kapatid ng bik­ti­ma na si Arnel Diorico na naabutang nakahiga at may dugong lumalabas sa magkabilang tenga ng ka­patid.

Inakalang natutulog kaya ginising ito, subalit hindi na gumagalaw kaya isinugod ito sa nasabing os­pital na kung saan ito ay nasawi.

 

Show comments