^

Police Metro

Pasay City magdiriwang ng ika-150 anibersaryo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malayo pa ang Disyembre 2 ay inumpi­sahan na kahapon ng local na pamahalaan ng Pasay City ang mahabang selebrasyon para sa kanilang ika-150 anibersaryo nang pagkakatatag ng lungsod na tinaguriang “Travel City” at dito ay inilunsad ang 150 logos at iba pang memorabilia base sa kasaysayan ng lungsod

Ipinagmalaki ni Mayor Antonino Calixto ang paglago ng lungsod bilang pa­ngu­nahing destinasyon ng mga dayu­hang turista sa Metro Manila dahil sa pagtataglay nila ng Ninoy Aquino Inter­national Airport, world class na mga ca­sino, shopping mall, sports arena at mga cultural centers.

Kabilang sa mga programang tututukan ng pamahalaang lungsod ay ang pagtapos ng kanilang “relocation site” sa Taytay, Rizal para sa kanilang mga pamilyang maralita at pagtatatag ng isang “holding center” sa isang lupain malapit sa Manila International Airport para maging pansamantalang tirahan ng mga pamilya na matatanggal sa mga lugar na ididebelop para maging “in-city relocation site”, dagdag na mga silid-aralan sa mga paaralan at pagtatayo ng Corazon C. Aquino National High School sa Maricaban, Pasay.

Base sa kasaysayan, tinawag na Pasay ang lungsod base kay Prinsesa Dayang-Dayang Pasay habang sa ibang kuwento ay dahil sa halamang gamot na “Pasaw”.

AQUINO NATIONAL HIGH SCHOOL

CORAZON C

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT

MAYOR ANTONINO CALIXTO

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTER

PASAY

PASAY CITY

PRINSESA DAYANG-DAYANG PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with