MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y maaÂnomalyang pagbili ng deÂpektibong rubber boats noong 2008 ay pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita CarÂpio Morales ng graft sina retired PNP Chief JeÂsus Verzosa at pitong iba pang opisyal ng PNP.
Bukod kay Versoza ay kasama sa inasunto sina P/DDG Jefferson Soriano; P/D Luizo Ticman; P/D RoÂnald Roderos; P/D Romeo Hilomen;P/CSupt. Herold Ubalde;P/DDG Benjamin Belarmino, Jr., at P/CSupt. Villamor Bumanglag matapos makakita ng probable cause para maidiin sa kasong paglabag sa Sec. 3 (e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang mga akuÂsado.
Sinasabi ng mai-deliver na ang naturang mga rubber boats ay nadiskubre ng PNP Maritime Group-Technical Inspection Committee on Watercrafts (MG-TICW) na depektibo ang mga ito at hindi maaaÂring magamit para sa disaster efforts ng PNP.