^

Police Metro

Ex-tanod niresbakan, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang dating barangay tanod matapos siyang resbakan ng dati niyang kaalitan at patraydor na  pagsasaksakin habang ang biktima ay nagsasampay ng damit sa harapan ng kanyang bahay sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si James R. Criyaldo,  dating tanod sa Brgy.418 Zone 43 at residente ng #2999 Ramon Magsaysay Boulevard, Sta. Mesa. Agad namang tumakas ang suspek na si Jojo Doria , 32, matapos nitong mapatay ang biktima.

Sa ulat ni SPO1 Mario  Asilo, ng Manila Police District- Homicide  Section, ang insidente ay naganap dakong  alas-8:30 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima. Sinasabing matagal ng may alitan ang dalawa at nang makakuha ng magandang pagkakataon ang suspek ay pinagsasaksak niya ang biktima habang nagsasampay ng damit sa tapat ng kanyang tahanan.

vuukle comment

ASILO

BRGY

CRIYALDO

JAMES R

JOJO DORIA

MANILA POLICE DISTRICT

MARIO

MAYNILA

OSPITAL

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with