MANILA, Philippines - Isa ang nasawi, pito ang sugatan, 10 ang nailigtas at 14 pa ang nawawala sa paglubog ng isang barko sa karagatan ng Bolinao, Pangasinan, kahapon ng umaga.
Sa panayam kahapon ng hapon kay PCG SpoÂkesÂman Armand Balilo, sinabi nito na kasalukuÂyang nagsagawa ng Search and Rescue OpeÂrations (SAR) ang mga tauhan ng PCG para sa nawawala pang 14 na triÂpulante, na pawang Myanmar nationals na sakay ng lumubog na MV Arita Bauxite, isang Myanmar vessel.
Nanggaling umano sa Indonesia ang nasabing Myanmar vessel patuÂngong China at may kargang coal.
Nagkaroon umano ng engine trouble ang barko at sinabayan pa ng malaÂlaking hampas ng alon kamakalawa ng gabi bago tuluyang lumubog sa Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay Balilo, dakong alas-9:20 ng umaga kahapon nang mai-report sa kanilang tanggapan ni 2nd mate Wang Jun ng MV Jin Cheng, na naÂdaanan nila ang mga tripulante.
“Katunayan katabi ng barko namin ang MV Jin Cheng na nakapagligtas sa mga sakay ng lumubog na Myanmar vessel. Nagpalabas na rin kami ng notice to mariners para makatulong ang ibang nagÂlalayag na maisalba pa ang mga nawawala,†ani Balilo. Sinabi pa ni Balilo, isinakay sa chopper ng PCG ang 10 nailigtas na tripulante patungo sa Sual, Pangasinan kung saan ang dalawa sa kanila ay may sakit.
Habang ang iba pang nailigtas ay sinasabing nasa maayos ng kalagayan ngayon ay sumasailalim sa stress debriefing. Iniutos na rin ni PCG Commander Rear Admiral Rodolfo Isorena na tukuyin kung saan ang eksaktong lugar na pinaglubugan ng barko upang madaÂling makita at mailigtas ang mga nawawala pang tripulante.