^

Police Metro

Ilocos Sur, Jueteng free na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa bisa ng isang kautusan mula sa tanggapan ng bagong Philippine Natio­nal Police Provincial Director for Ilocos Sur, Se­nior Superintendent Dennis Basngi, opisyal na ipinatigil ang lahat ng operasyon ng iligal na sugal na jueteng sa buong lalawigan at mga karatig pook simula kahapon.

Ayon sa pahayag ni PD Basngi, patuloy na umiiral ang batas sa PNP upang itigil ang lahat ng uri ng iligal na sugal.

Ang pagpapatigil sa jueteng sa Ilocos Sur ay isa lamang sa sunud-sunod na crackdown ng kapulisan sa iligal na numbers game sa maraming bahagi ng bansa.

“Ang briefing sa akin bago ako umupo bilang provincial director noong isang linggo ay dapat mawala ang jueteng sa Ilocos Sur at iyan ang aming ipagpapatuloy na gawin dahil sa standing strike policy ng PNP laban sa sugal na ito,” ani Supt. Basngi sa isang text message.

Ayon pa kay Basngi, patuloy din ang mahigpit na pagpapaalaala sa lahat ng kapulisan na lalong paigtingin ang anti-illlegal gambling operations sa lalawigan. Tiniyak ni Basngi na sisibakin niya sa tungkulin ang sino mang kagawad ng PNP na nasa ilalim ng kanyang pamumuno na nagpapabaya sa kanilang tungkulin laban sa sugal na jueteng.

Layunin ni Basngi na tumalima sa isinusulong na ‘Daang Matuwid’ ng Pangulong Noynoy Aquino na labanan ang lahat ng illegal na sugal sa bansa.

 

vuukle comment

AYON

BASNGI

DAANG MATUWID

ILOCOS SUR

LAYUNIN

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE NATIO

POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

SUPERINTENDENT DENNIS BASNGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with