MANILA, Philippines - Pinaslang ang isang 3-taong gulang na paslit ng kanyang sariling ina na sinasabing, ‘naburÂyong’ at nawala sa katinuan ng kanyang pag-iisip sa baÂyan ng Tukuran, Zamboanga del Sur, kamakalawa ng umaga .
Ang biktima ay tinukoy lamang sa palayaw na Boy Serenio, tadtad ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay nito.
Nahaharap naman sa kasong parricide ang ina ng biktima na nakilalang si Claire Rose Anne Serenio, 27-anyos, residente ng naÂsabing bayan.
Ayon sa ulat ni Zamboanga del Sur Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Thomas Abellar, kamakalawa ng umaga ay nagreklamo sa pulisya ang ama ng biktima na si Geronimo Serenio, 35 anyos matapos mabatid sa limang taong gulang na isa pa nitong anak na pinagpapalo ng kanyang ina ang biktima ng matigas na kahoy.
Bukod dito sa nakaliÂpas na dalawang araw ay pinaluluhod umano ito sa asin, binubugbog , isinisilid sa sako at ibinibitin ang kaniyang bunsong kapatid hanggang sa hindi na umano ito gumising na ang ibig sabihin ay patay na.
Nabatid na ang mag-asawa ay hiwalay na sa isa’t isa at ang nasabing mister ang nag-aaruga sa mga bata na sinundo lamang ng kaniyang misis sa kanilang tahanan kamakailan. Pumayag naman ang nasabing mister sa pag-aakalang aalagaan ng kaÂniyang dating misis ang kaniyang dalawang anak pero hindi niya sukat akalain na hahantong sa bangungot ang lahat.