^

Police Metro

Paslit, pinaslang ng sariling ina

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaslang ang isang 3-taong gulang na paslit ng kanyang sariling ina na sinasabing, ‘nabur­yong’ at nawala sa katinuan ng kanyang pag-iisip sa ba­yan ng Tukuran, Zamboanga del Sur, kamakalawa ng umaga .

Ang biktima ay tinukoy lamang sa palayaw na Boy Serenio, tadtad ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang kumitil sa buhay nito.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang ina ng biktima na nakilalang si Claire Rose Anne Serenio, 27-anyos, residente ng na­sabing bayan.

Ayon sa ulat ni Zamboanga del Sur Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Thomas Abellar, kamakalawa ng umaga ay nagreklamo sa pulisya ang ama ng biktima na si Geronimo Serenio, 35 anyos matapos mabatid sa limang taong gulang na isa pa nitong anak na pinagpapalo ng kanyang ina ang biktima ng matigas na kahoy.

Bukod dito sa nakali­pas na dalawang araw ay pinaluluhod umano ito sa asin, binubugbog , isinisilid sa sako at ibinibitin ang kaniyang bunsong kapatid hanggang sa hindi na umano ito gumising na ang ibig sabihin ay patay na.

Nabatid na ang mag-asawa ay hiwalay na sa isa’t isa at ang nasabing mister ang nag-aaruga sa mga bata na sinundo lamang ng kaniyang misis sa kanilang tahanan kamakailan. Pumayag naman ang nasabing mister sa pag-aakalang aalagaan ng ka­niyang dating misis ang kaniyang dalawang anak pero hindi niya sukat akalain na hahantong sa bangungot ang lahat.

vuukle comment

AYON

BOY SERENIO

BUKOD

CLAIRE ROSE ANNE SERENIO

GERONIMO SERENIO

SR. SUPT

SUR PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

THOMAS ABELLAR

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with