MANILA, Philippines - Timbog ang pitong miyembro ng Abas drug group sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakasunod na pagsalakay sa Maguindanao.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Anwar Nakan, alyas Joe Abas, 33, at asawang si Sanima, 29; Abdulbasit Dipatuan, alyas Basco Duga, 34; Neng Dipatuan, 37; Heria Baraguir, alyas Jeny, 19; Thong Ambolodto, 40; at Saguira Guiamalon, 37.
Ayon kay Cacdac, ang pagkakadakip sa pitong miyembro ng Abas Drug Group ay malaking suntok sa local drug industry sa bansa lalo na sa Barangay Makir, Maguindanao.
Nakumpiska sa mga suspek ang kabuuang 213 sachets ng methamphetamine hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 80 gramo, assorted drug paraphernalia, ilang mga baril at piraso ng mga bala, at mga cell phones.