MANILA, Philippines - Muling nanawagan ang dating pangulo ng Philippine Association of Local Treasurers and Assessors, Inc. (PHALTRA) na si Dr.Victor Endriga sa lahat ng miyembro na tapusin na ang anomalya sa kanilang asosasyon.
Ayon kay Endriga, kailangang mawala ang anumang anomalya sa lahat ng miyembro nito sa buong bansa bunga ng nalalapit na eleksiyon para sa bagong opisyales nito sa darating na Pebrero 19, 2013 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Sinabi ni Endriga, naÂging kapos umano sa benepisyo ang mga miyembro mula nang pamunuan ito ni Nestor Quiambao tulad ng paggamit sa punong tanggapan ng PHALTRA.
“Our very own PHALTRA Building which is for the benefit of all of its members became under utilized during his term, leaving his relatives to enjoy all the corners and facilities of our building. The PHALTRA Building is now Quiambao Family Hotelâ€, paliwanag ni Endriga.
Binabastos din umano ni Quiambao ang Saligang Batas ng PHALTRA nang iligal na amyendahan nito ang probisyon patungkol sa eleksiyon na hindi aprubado ng kabuuang miyembro upang maging kuwalipikado muli itong tumakbo bilang pangulo.
Nabatid na ang matagal nang inaasam-asam ng PHALTRA na sariling opisina sa loob ng pitong dekada ay naitayo sa ilalim ng pamumuno ni Endriga bilang pagtupad sa kanyang pangako.
Dito rin ginagawa noon ang iba’t ibang pagsasanay ng lahat ng miyembro ng PHALTRA patungkol sa epektibong pagkolekta ng buwis, subalit ginawang bahay na lamang umano ng pamilya Quiambao sa loob ng apat na taon na wala man lamang binabayaran sa asosasyon.