Grade 1 pupil tinodas ng kalaro

MANILA, Philippines - Isang 8-anyos na batang lalaki na grade 1 pupil ang napatay sa sakal ng kalaro nitong 9-anyos na grade III matapos magkapikunan sa loob ng compound ng eskuwelahan sa Dumalag, Capiz kamakalawa.

Ang biktima na itinago sa pangalang Alvin ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. Habang ang suspek ay itinago naman sa pangalang Johnny na halos hindi makausap.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ay recess ng mga estudyante ng Bontog Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Sto. Angel, Dumalag na kung saan ay naglalaro ang isang grupo ng elementary pupil ng ‘taksi’ na may ta­yang pera nang kantiyawan umano ng suspek ang biktima dahilan natalo ito at tinanong kung magkano ang naipatalo.

Nagalit ang biktima at sinuntok ang suspek, subalit gumanti at binugbog ang una, subalit hindi pa nakuntento ay sinakal hanggang sa hindi na ito gumagalaw nang bitiwan.

Nagawa pang maisugod  ng sumaklolong mga guro sa pagamutan ang biktima, pero nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Show comments