^

Police Metro

Walang trabaho at pera… Beybi binigti ng tatay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - D ahil sa umano’y daming problema tulad ng walang pera at trabaho ay nagkaroon ng depresyon ang isang ama kung kaya’t naisipan nitong patayin ang kanyang sanggol na babae na 3 buwang gulang sa pamamagitan nang pagbigti ng panyo kamakalawa ng gabi sa Da smariñas City, Cavite.

Ang sanggol ay nakilalang si Lean Egarta, residente ng Block 11, Lot 11, Brgy. San Luis ng nasabing lungsod na natagpuang patay ng kanyang ina na si Arlene.

Ang suspek na nadakip sa isang follow-up operation ay nakila­lang si Antonino Egarta, 27-an­yos at residente ng lugar.

Batay sa ulat ni PO1 Ellaine Magsino, dakong alas-6:30 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa ilang residente ng nasabing lugar na may pinatay na sanggol.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya binabantayan  ng ama ang kanyang sanggol sa kanilang bahay dahil ang misis nitong si Arlene ang nagtatrabaho sa pamamagitan nang paglalabada sa kanyang kapitbahay.

Nang umuwi umano si Arlene ay nagtataka ito at tahimik sa loob ng kanilang bahay at pagpasok niya ay doon bumulaga ang anak na wala nang buhay at ang kanyang mister ay hindi matagpuan.

Humingi ng tulong si Arlene sa mga kapitbahay na siyang tumawag sa mga pulis at hinahanap ang mister na natagpuang nagtatago sa bahay ng ninong nito sa Brgy. Bautista.

Inamin ng suspek sa pulisya nagawa umano niya dahil sa dami umano ng kanyang iniisip at problema sa buhay, wala rin umano silang pera at trabaho. Kung kaya’t gamit ang isang lumang panyo ay napagdiskitahan nito ang kanyang bunsong anak at binigti ito hanggang sa mamatay bago mabilis na tumakas.Ang suspek ay kinasuhan ng infanticide.

vuukle comment

ANTONINO EGARTA

ARLENE

BATAY

BRGY

ELLAINE MAGSINO

KANYANG

LEAN EGARTA

SAN LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with