MANILA, Philippines - Sa loob ng tatlong araw ay pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) na makaboto ang mga miyembro ng media.
Ito’y makaraang apruÂbahan ang ComeÂlec Resolution 9637 na puwede nang bumoto ang mga miyembro ng media sa regional election office kung ang mga ito ay nakabase sa National Capital Region (NCR), sa office of the city election officer kung nasa highly-urbanized at independent cities, at sa provincial election office para sa mga taga-lalawigan.
Nakasaad sa 14 na pahinang kautusan na pirmado nina Commissioners Lucenito Tagle, Elias Yusoph, Christian Robert Lim, Grace Padaca at Chairman Sixto Brillantes, itinakda ang pagboto ng mga kagawad ng media sa Abril 28, 29 at 30, 2013 kasabay ang iba pang local absentee voÂting tulad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kailangan lamang na maghain ang media ng aplikasyon hanggang Marso 31 upang makaÂboto.
Sisimulan ito ng ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa ilalim ng pamamahala ng mga local Comelec officers.
Bumuo naman ng Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ang poll body na siyang may direktang kapangyarihan sa proseso ng nasabing botohan.
Tanging ang mga rehistradong media lamang noong nagdaang registration period ang mabibigyan na makasali sa halalan.