MANILA, Philippines - Pinalagan ni Sen. Panfilo Lacson sa mga below the belt na tirada ni Sen. Miriam Defensor-Santiago nang tawagin siya nitong “Pinky†Lacson kaya’t sinabi nito na hindi maaaring gamitin ng huli bilang depensa ang “immunity by insanity†upang hindi makasuhan sa mga paninirang ginagawa nito.
Sinabi ni Lacson na mahilig talaga si Santiago na magbiÂgay ng iba’t ibang uri ng paÂngalan sa mga nakakaÂbangga niya dahil iniisip umano ng senadora na maaaring malusutan niya sa pag-invoke ng “immunity by insaÂnityâ€.
Nilinaw ni Lacson na hindi totoo ang nais ipahiwatig ni Santiago na isa siyang bakla.
“Malinaw naman ang sagot ko doon. Hindi totoo yun, at wala akong intensiyon na magkagaÂnoon,†sabi ni Lacson.
Inamin ni Lacson na hindi na siya natutuwa sa mga patutsada ni Santiago na nag-umpisa sa usapin ng karagdagang pondo o maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga senador.
“It’s really below the belt dahil unang una hindi totoo kasi kung totoo, e uso naman ngayon ang aminan, pero bakit ko aaminin kung talagang hindi totoo? Ang masasabi ko lang, kung ako bakla, wala nang macho dito sa mundo,†ani Lacson.