MANILA, Philippines - Isang dating pulis na nasibak sa kanyang tungkulin dahil sa pag-AWOL ang inaresto ng mga dating kabaro sa kasong pagkarnap ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Ang suspek na si dating PO1 Eric Domingo ng Regional Public Safety Battalion at residente ng Simplicio Compound ay nahaharap sa kasong carnapping matapos tangayin ang motorsiklo ng isang Normelita delos Santos.
Ayon kay Delos Santos tinangay ang kanyang Yamaha Mio habang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay ng suspek na nakunan ng closed circuit television camera (CCTV).
Agad na sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek dakong alas-6:00 ng gabi at natagpuan ang nawawalang motorsiklo sa bahay nito.
Todo-tanggi pa ang suspek sa akusasyon kahit na kitang-kita siya sa video footage.
Ayon kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng Investigation Unit ng Parañaque Police na maraming beses nang nasangkot si Domingo sa mga kaso ng “extortion†bago ito nag-AWOL kaya’t sinibak sa pagiging pulis.