Away pamilya sa Caloocan: 4 patay
MANILA, Philippines - Isang tatay, dalawa nitong anak at isang pulis ang nasawi habang isa ang nasugatan sa naganap na barilan sa Caloocan City na umano ay away-pamilya kahapon ng madaling-araw.
Ang mga nasawi ay ang mag-aamang sina Manolito Piccio, 56, anak na sina Audie, 32 at ErickÂson at ang pulis na si PO3 Ernesto Castillo, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), subalit hindi na pumapasok sa trabaho.
Ang nasugatan ay ang kapitbahay ng pamilÂya Piccio na si James Christopher Palunday, 17, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita dahil sa ligaw na bala.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang barilan dakong alas-12:00 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng pamilya Piccio sa Rose St., King Solomon, Barangay 174, Camarin ay magkakasamang nag-iinuman ang mag-aama nang dumaÂting si PO3 Castillo na may kasamang ilang kalaÂlakihan at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mag-aama.
Kahit na may tama ang mag-aamang Piccio ay nagawa nitong mabaril si PO3 Castillo at namatay din ito.
Sa salaysay ng misis ni Manolito na si Susan Piccio, posible anya na niresbakan ang kanyang mag-aama dahil sa may napatay ang kanyang anak na si Emer na nagÂngangalang Jun Bonto dahil umano sa agawan ng sumpak.
May hinala ang ginang, na posibleng guÂmaÂganti ang asawa ni Bonto na nakilala lamang na “alias Eli†at ito umano ang nagbayad kay PO3 Castillo upang patayin ang kanyang mag-aama.
Nabatid pa sa ginang, apat na ang napatay sa kanyang pamilya dahil una nang pinatay ang isa niyang anak na si Tristan.
Sinabi pa nito, na hindi nila kilala si PO3 Castillo, pero may kasama itong ilang kalalakihan nang sumugod sa kanilang bahay at pagbabarilin ang kanyang mag-aama.
- Latest