Bungo ng tao nasungkit sa ilog

MANILA, Philippines -  Inakala ng isang ma­ngingisda na tiba-tiba siya sa nakitang bag pack na palutang-lutang sa ilog, subalit laking gulat nito nang buksan ay bungo ng tao ang laman kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong  ala-1:00 ng madaling araw nang matagpuan ni Jhonny Setenta, 25-anyos, binata, ang isang  bungo na nakasilid sa isang bag pack na nakalutang sa Tabing Ilog, Area 1, Barangay NBBS ng lungsod at agad niyang iniulat sa pulisya.

Ipinadala na sa PNP-Camp Crame Laboratory ang naturang bungo  para maimbestigahan kung ito ba ay isang lalaki o babae.

Show comments