MANILA, Philippines - “Wafu, pasensiya sinaktan mo anak koâ€!
Ito ang kataga na sinabi ng isang suspek bago barilin ang 34-anÂyos na biktima na lumaya kamakailan mula sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City, naganap kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 baril sa batok ay nakilalang si Angelo Figueroa, alyas Wafu, residente ng Block 17, Phase 2, Area 2, Dagat-dagatan, Brgy. LoÂngos ng nasabing bayan.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi ay abala sa paglalaro sa loob ng isang computer shop malapit sa lugar ng biktima nang ito ay lapitan ng suspek na nakasuot ng helmet at binaril nang malapitan sa batok.
Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Malaki ang hinala ng pulisya na kilala ng biktima ang suspek at posibleng nakatira ito sa kanilang lugar dahil binanggit ang pangalan nito at ginawang kasalanan sa pananakit sa anak.
Iimbestigahan ng puÂlisya kung sinong bata ang sinaktan ng biktima kung kaya’t niresbakan ito.
Ayon naman kay Mary Figueroa, ang kanyang kapatid ay kalalaya lamang sa NBP dahil sa sangkot umano sa mga nakawan, illegal na droga at kasong frustrated murder.