MANILA, Philippines - Inihayag ng isang forensic expert ng Public Attorney’s Office na pinatay at hindi nagpakamatay si Dennis Aranas, ang bilanggo sa Lucena City Jail na isa sa saksi sa pamamaslang sa environmentalist broadcaster na si Dr Gerry Ortega.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, “No evidence exists to support the conclusion of death by hanging,â€.
Sinabi naman ni PAO Chief Persida Acosta na si Aranas ay malamang anyang sinaktan ng may apat na katao dahilan para ito ay mamatay sa loob ng kulungan noong Feb. 7.
Batay anya sa pa unang resulta ng pagbusisi ni Erfe sa bangkay ni Aranas, nagtamo ng mga bugbog sa katawan at marka ng mga daliri sa leeg na nagsasabing ito ay sinakal. Ang findings ng PAO sa labi ni Aranas ay isusumite sa Department of Justice.
Magugunita na nagsagawa ng pagbusisi ang PAO sa bangkay ni Aranas bilang tugon sa hiling ng pamilya nito dahil sa hinala na hindi ito magpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili gaya ng unang imbestigasyon.
Samantala, sinibak na sa puwesto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang warden ng Quezon District Jail sa Lucena City na si Supt. Annie Espinosa.