^

Police Metro

Witness sa Ortega case, pinatay

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Inihayag ng isang forensic expert ng Public Attorney’s Office na pinatay at hindi nagpakamatay si Dennis Aranas, ang  bilanggo sa Lucena City Jail na isa sa saksi sa pamamaslang sa environmentalist broadcaster na si Dr Gerry Ortega.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, “No evidence exists to support the conclusion of death by hanging,”.

Sinabi naman ni PAO Chief Persida Acosta  na si  Aranas ay malamang anyang sinaktan ng may apat na katao dahilan para ito ay mamatay sa loob ng kulungan noong Feb. 7.

Batay anya sa pa unang­ resulta ng pagbusisi ni  Erfe sa bangkay ni Aranas, nagtamo ng mga bugbog sa katawan at marka ng mga daliri sa leeg  na nagsasabing ito ay sinakal. Ang findings ng PAO sa labi ni Aranas ay isusumite sa Department of Justice.

Magugunita na nagsagawa ng pagbusisi ang PAO sa bangkay ni Aranas  bilang tugon sa hiling ng pamilya nito dahil sa hinala na hindi ito magpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili gaya ng unang imbestigasyon.

Samantala, sinibak na sa  puwesto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang warden ng Quezon District Jail sa Lucena City na si Supt. Annie Espinosa.

 

vuukle comment

ANNIE ESPINOSA

ARANAS

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF PERSIDA ACOSTA

DENNIS ARANAS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR GERRY ORTEGA

DR. ERWIN ERFE

LUCENA CITY

LUCENA CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with