MANILA, Philippines - Hindi umano makakapekto sa isinusulong na extradition kay Aman Futures Founder Manuel Amalilio ang napaulat na koneksyon niya sa ilang matataas na opisyal ng Malaysia.
Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima, dahil sa mananatiling bukas ang komunikasyon ng mga opisyal ng Pilipinas at ng mga counterpart nila sa Malaysia kaugnay sa posibilidad ng extradition ni Amalilio.
Tiniyak din umano mismo ng mga otoridad sa Malaysia ang pagbibigay nila ng assistance sa kaso ni Amalilio upang mapabalik ito ng Pilipinas at maharap sa paglilitis ng mga kaso ng syndicated estafa.
Samantala, bubuo si De Lima ng team of proÂsecutors at state counsels na ipadadala sa Malaysia para sa posibleng extradition kay Amalilio.
Ang hakbang ay batay na rin sa payo mismo ni Malaysian Atty. General Tan Sri Gani Patail sa pakikipagpulong sa mga kinatawang ipinadala ng DOJ sa nasabing bansa nitong isang linggo.