LP at UNA babantayan ng Ecowaste

MANILA, Philippines - Babantayan ng grupong Ecowaste coa­lition ang gagawing pangangampanya ng magkalabang partidong Liberal Party (LP) at United Nationalist Al­liance (UNA) partikular ang pangangalaga sa kalikasan sa tuwing magsasagawa ng proclamation rally na magsisimula bukas (February 12) sa Manila at Cebu City.

Sa sulat na ipinadala ng Ecowaste sa Pangulong Benigno Aquino III at Liberal Party campain Manager Franklin Drilon ng Team Pinoy; Vice-President Jejomar Binay at UNA Sec. General at campaign Manager Congressman Tobias M. Tiangco, hiniling nila na ipakita ang kanilang malasakit para sa kalikasan sa pag-umpisa pa lamang ng kampanya bukas.

Hinamon ng grupo ang magkabilang kampo na magtalaga ng pa­nuntunan para sa malinis at eco-friendly na pa­ngangampanya sa buong bansa, lalo na ang mga basurang iiwan nila tulad ng mga political pharaphernalia.

Plano ng Ecowaste na magdeploy ng “Zero Basura Patrol” para imo­nitor ang gagawing proclamation event sa makasaysayang Plaza Miranda sa Quiapo Maynila, habang sa Cebu naman ay babantayan din ang Philippine Earth Justice Center ang Ma­ritima Heritage grounds sa Cebu City hall.

 

Show comments