Nakaw na Uniliver products nabawi

MANILA, Philippines - Nabawi ng mga awtoridad ang nakaw na Uniliver products mula sa limang empleyado ng kumpanya na dinakip makaraang mabuko ang umano’y sabwatan nila.

Sa reklamo sa tangapan ni Senior  Insp. Salvador Tongdol, hepe ng MPD-TRS, ang tinatayang  P300-libong halaga ng Uniliver products ay nawawala bilang bahagi ng P4-milyong produkto sa Acro Team Inc. na pag-aari ng negosyanteng  si Maria Rosario Benigna Tumacder, 65, may-ari ng  Acro Team, Inc.  na matatagpuan sa no. 22 East Service Road, Cupang, Muntinlupa City.

Hinihinalang mula pa noong Nobyembre 2012 ay nagsimula umano sa pangungupit ang mga  empleyado, na kinabibilangan nina   John Warly Lozanes; Charry Galvo, 45; Renato Vertulfo, 31; Julhanni Mohammad, 36 at Albert Reforne, 30.

Hinahanap pa ang  isa pang  ka­sabwat na nagsisilbing pahinante na si Guillermo Penales.

Sasampahan ng qualified theft ang matutukoy na may kinalaman sa nakawan habang ang mapapatunayang pinagbentahan ng ilang nawawalang produkto ay kakasuhan ng anti-fencing.

Show comments