Manu-manong halalan, no way sa COMELEC
MANILA, Philippines - No way sa Commission on Elections (COMEÂLEC) ang mga panawagang bumalik na lamang sa manu-manong halalan kasunod ng mga pinaÂngangambahang depekto sa automation technology na isisilbi ng Smartmatic service provider.
Tahasang niredyek ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr, ang mga panukalang gamitin ang manual system of elections para sa May 2013 polls.
Sinabi ng poll chief, gagamitin lamang ang manu-manong bilangan kung talagang wala ng magagawa sa automated elections.
“Hindi tayo pupunta sa manual election… Itinatakda ng batas ang automation ng halalan kaya ito ang ating ipapatupad at susundin†ani, Brillantes.
Binanggit din ni Brillantes na may inihanda rin silang contingency measures kung sakaling kakailanganin ng manu-manong bilangan.
Giit ni Brillantes na hindi sila pumopokus sa naturang aspeto dahil preparado na ang komisyon sa automated election. Nabatid din kay Brillantes na mula February 4 hanggang Ferbuary 6 ay nakapag-imprenta na ng 1.1 milyong balota ang National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Aminado ang opisÂyal na mabagal ang usad ng printing lalo na at 52,017,360 ang dapat na malimbag sa loob ng 90 araw o hanggang Abril 25 lamang.
Tatlong high-end printers ang ginagamit ngayon ng NPO sa natuÂrang proyekto at ayon sa poll chief ay 314 na balota ang nalilimbag ng bawat makina sa isang minuto o kabuuang isang milÂyong balota kada makina sa loob ng isang araw.
- Latest