Binatilyo nasabit, nakaladkad at nagulungan ng trak, todas

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na masabitan at makaladkad hanggang sa  magulungan ng isang carrier truck sa kanto ng Brgy Pali­paran 1, Governors Drive,  Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Mark John Operiano, residente ng Tierra Alta Homes, Sitio Niogan Brgy. Paliparan 1 ng lungsod.

Naaresto naman ang driver ng Hyundai Bulk Carrie truck (PQS-743) na si Allan Cerna, 47, residente ng Brgy. Kaypian Quirino, San Jose  Del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang hindi umano mapansin ng suspek sa pagliko niya sa lugar ang biktima na nagbabayad sa sinasakyang tricycle na nakahinto sa nasabing kanto.

Sa laki ng trak ay hindi nito nakaya na imaniobra ang gagawing pagliko kung kaya nasabit ang biktima at nakaladkad hanggang sa nagulungan ang katawan nito na naging dahilan ng kamatayan.

Show comments