Smartmatic nakatakdang kasuhan
MANILA, Philippines - Dahil umano sa kabiguang tuparin ang ilang probisyon na nakapaloob sa nilagdaang deed of sale ay pinag-aaralan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasampa ng kaso laban sa technoÂlogy provider na Smartmatic.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., may legal na batayan para ipagharap nila ng asunto ang Smartmatic International dahil kabiguan na maisagawa ang enhancement sa mga Precinct Count Optical Scan o PCOS machines.
Sinabi ni Brillantes na ang enhancement sa mga makina ay isa sa mga kondisyon ng Comelec nang magpasya silang gamitin ang option to purchase sa kontrata sa Smartmatic para sa eleksyon noong 2010. Tinukoy ng poll chief ang walong minor enhancement na itinakda ng Comelec na dapat gawin ng Smartmatic bago nila bilhin ang mahigit 80,000 voting machine noong Marso, 2012.
Ngunit nililinaw ng opisyal na hindi pa nila napagpapasÂyahan ang pagsasampa ng kaso dahil abalang-abala sila sa paghahanda sa eleksyon.
- Latest