^

Police Metro

Assets ng may-ari ng Aman naka-freeze na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima na nasa freeze order na ang mga asset o pag-aari ng may-ari ng Aman Futures na si Manuel Amalilio sa Malaysia na  tinuturong utak sa P12-B pyramiding scam.

Ayon kay De Lima, na ang pag-freeze sa assets ni Amalilio ay isa sa mga positibong de­velopment makaraan ang pakiki­pag-usap ng Pilipinas sa mga otoridad sa Malaysia partikular na kay Attorney General Tan Sri Gani Patail.

Ayon kay De Lima, na si  Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar ang kumatawan sa Pilipinas sa nasabing pag-uusap katuwang si Ambassador Eduardo Malaya na ang pagpupulong ay naganap noong Pebrero 6 sa Kuala Lumpur kung saan agad na iniutos ng attorney general ng Malaysia ang pagsasailalim sa freeze order ng mga asset ni Amalilio.

Napag-usapan din sa nasabing pagpupulong na ma­aring maibalik sa Pilipinas si Amalilio kahit hindi pa nito nabubuno nang buo ang dalawang taong pagkabilanggo na ipinataw sa kanya ng mga otoridad sa Malaysia.

 

AMALILIO

AMAN FUTURES

AMBASSADOR EDUARDO MALAYA

ATTORNEY GENERAL TAN SRI GANI PATAIL

AYON

DE LIMA

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

JUSTICE UNDERSECRETARY JOSE VICENTE SALAZAR

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with