MANILA, Philippines - Mistulang ipinagpalit ng isang 22-anyos na apprentice engineer ng isang barko ang kanyang buhay sa P300 na laman ng pitaka na nahulog sa dagat nang tuÂmalon ito para kunin ang pitaka, naganap sa karagatan na sakop ng Brgy. Tayud, Consolacion, Cebu.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ariel Montebon, apprentice engineer sa Lady of Prosperity na isang cargo ship.
Batay sa ulat ng puÂlisya, bandang alas-7:30 ng gabi noong Huwebes ay hawak ng isang Randy Casquite, 21, isa ring apprentice engineer ang isang pitaka na may lamang P300 na pag-aari ng kusinero ng barko na aksidenteng naÂbitawan at nahulog sa dagat.
Dali-dali namang tuÂmalon sa barko si Montebon upang marekober ang pitaka, subalit nabigo na itong makaahon.
Nabatid na ang barkong sinasakyan ng mga biktima ay nakadaong sa Sandoval Shipyard malapit sa Cansaga Bay Bridge.
Nagsagawa naman ng retrieval operation ang mga divers ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima nitong Biyernes dakong alas-6:30 ng gabi.
Pinaniniwalaan namang tumama sa matigas na bahagi ng barko ang ulo ng biktima na siya nitong ikinasawi.