^

Police Metro

Mag-asawa arestado sa panloloko ng 300 katao

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 300 katao ang nagtungo sa opisina ni Manila Mayor Alfredo Lim upang ireklamo ang isang mag-asawa na illegal recruiter at masampahan ng kaso.

Ang mag-asawa na dinakip ng otoridad sa kanilang bahay sa Parañaque City ay kinilalang sina James, 40  at Normelita Liquigan, 42, nagsilbing secretary na si Annabelle Buenaflor, 37,  ng Bagumbong St., Bagong Silang, Caloocan City at ang accountant na si Fidel Esperante, 27, binata, ng residente rin ng Parañaque.

Nag-ugat ang pag-aresto nang lumiham kay Lim noong Disyembre. 18, 2012 ang isang  Alfredo Villas Jr., 40, ng Herbosa Tondo, Maynila upang humingi ng tulong na maaresto ang mga suspek na nakatangay ng malaking halaga subalit napako ang pangako na   makakapagtrabaho sa Japan.

Ayon kay Villas, ginagamit na front ng mga suspek ang kanilang photoshop na Studio Poses and Image  na matatagpuan sa no. 1602 F. Leon Guinto cor., Pedro Gil, Malate, Maynila para makapag-recruit ng mga nais magtrabaho sa ibayong dagat.

Nabatid na sila ay pinagbaba­yad ng halagang P15,000 hanggang P90,000 para sa processing fee at halagang P5,000 naman para sa medical.
Kabilang din sa mga nabiktima ay mula sa Luzon, Visayas at Min­danao na pinangakuang magtatrabahong waiter, waitress at factory worker sa Japan na pinangakuang makakaalis noong Hunyo  2012. 
 

 

ALFREDO VILLAS JR.

ANNABELLE BUENAFLOR

BAGONG SILANG

BAGUMBONG ST.

CALOOCAN CITY

FIDEL ESPERANTE

HERBOSA TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with