^

Police Metro

P-Noy dinalaw ang batang may cancer

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t tapos na ang Pasko ay nagmistulang ‘Santa Claus’ si Pangulong Benigno Aquino III sa isang cancer patient matapos nitong bisitahin ito kahapon sa National Orthopedic Hospital sa Quezon City.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, ang dinalaw na cancer patient ni Pangulong Aquino kahapon ng umaga ay si Jericho Rafols, 15-anyos.

Sinabi ni Sec. Carandang, ang wish ni Rafols ay makita niya si Pangulong Aquino dahil ito ang kanyang naging idolo kaya nilabanan niya ang kanyang cancer of the bone.

Na-diagnose ang bone cancer ni Rafols noong 13 anyos ito hanggang sa mawalan na ito ng pag-asa sa buhay.

Nabuhayan lamang ng loob ang pasyente ng makita si P-Noy sa kanyang campaign slogan noong 2010 presidential elections na dapat ‘ituloy ang laban.’

Sinabi ng ina ng pasyente, doon lamang pumayag si Jericho na magpagamot sa ospital hanggang sa putulin ang kanyang kanang hita sa naturang pagamutan.

Sinagot naman ng Pa­ngulo ang lahat ng gastusin ni Jericho sa kanyang pagpapagamot pati ang mga gamot sa kanyang chemotheraphy. Kahapon ang ika-53 taong kaarawan ni Pangulong Aquino.

Dinalaw na din ng Pangulo ang pasyenteng sina Mario Maniego na 16 taon nang ginagamot sa nasabing ospital.

 

JERICHO RAFOLS

MARIO MANIEGO

NATIONAL ORTHOPEDIC HOSPITAL

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SEC

QUEZON CITY

RAFOLS

RICKY CARANDANG

SANTA CLAUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with