Kapag may foul play sa pagkamatay ng witness sa Ortega murder case… BJMP officers, personnel sisibakin, kakasuhan
MANILA, Philippines - Kapag napatunaÂyang may foul play o cover-up sa kaso ng pagbibigti umano ng suspek na ginawang testigo sa kaso ng ambush-slay ng brodkaster na si Gerardo “Doc Gerry†Ortega ay agad na sasampahan ng kaso at sisibakin sa serbisyo ang sinumang opisyal at tauhan ng Bureau of Jail Management (BJMP).
Ito ang tiniyak kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang pagsigaw ng foul play ng pamilya ng witness na si Dennis Aranas na umano’y nagbigti sa kanyang selda sa Quezon District Jail sa Lucena City noong Martes ng alas-10 ng umaga.
Sinabi ng Kalihim na hindi niya kukunsintihin ang sinumang mga opisyal at tauhan ng BJMP kapag lumitaw sa ipinag-utos niyang imbesÂtigasyon na may pagkakasala o pananagutan ang mga ito sa kaso.
Interesado na malaman ni Roxas kung bakit hindi nabigyan ng pagkakataon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP na siyasatin ang krimen, o ang pagkamatay ni Aranas at ang lugar kung saan ito natagpuang patay.
Si Aranas ang itinuturing nagsilbing lookout sa krimen.
- Latest