MANILA, Philippines - Nanawagan ang lider ng mga katutubo sa publiko na huwag “maliitin†ang kanilang kakayahan na mabatid ang mga impormasyon sa mga isyung kaugnay ng kontrobersiyal na $5.9 bilyong Tampakan copper-gold mining project na sasaklaw sa mga lalawigan ng South Cotabato, Davao del Sur, Sarangani at Sultan Kudarat.
Ayon kay Fulong Gideon Salutan, Blaan municipal tribal chieftain sa Kiblawan, Davao del Sur na ipinaliwanag sa kanila ng kompanya sa pagmimina na kabilang sa reforestation program nito ang pagtatanim ng isang ektarya ng mga puno sa bawat ektarya ng pakikialamang lupain.
Ayon pa kay Salutan, 34 lider ng mga katutubo mula sa Tampakan, South Cotabato; Kiblawan, Davao del Sur; at Columbio, Sultan Kudarat ang nagsadya sa open-pit mi-ning project sa Toledo City, Cebu upang alamin ang pagmimina at mga epekto nito.