MANILA, Philippines - Nais ng isa sa mga akusado sa Aman Futures pyramiding scam na maging testigo sa kaso dahil hindi siya opisyal ng kumpanya kundi isang investor.
Sa isinagawang pagdinig sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa reklamong isinampa laban kay Pagadian City Mayor Samuel Co, nabatid mula kay Donna Coyme na noong Disyembre ay nagsumite na siya ng kanyang aplikasyon sa witness protection program (WPP) ng DOJ.
Sumailalim na rin umano siya sa interview bilang baÂhagi ng pagproseso ng kanyang aplikasyon sa WPP.
Muling nilinaw ni Coyme na siya ay hindi opisyal ng Aman Futures at siya ay investor lamang at naging tutor ng anak ng Presidente ng grupo na si Fernando “Nonoy†Luna.
Nais umano niyang tumestigo para maihayag ang katotohanan at mabigyan ng katarungan ang iba pang nabiktima ng Aman Futures.