MANILA, Philippines - Isang magandang balita ang inianunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga kustomer na makakaranas ng mas mababang singil sa kuryente ngayong Pebrero.
Ayon sa Meralco, bumaba ng 58 sentimo kada kilowatt-hour (KwH) ang generation charge, na siyang pinakamababang naitala nila simula noong Setyembre 2011.
Nabatid na ang pagbaba ng singil ay resulta ng mababang rate mula sa
Power Supply Agreements (PSAs) na nilagdaan ng Meralco sa kanilang mga
supplier na kinabibilangan ng SEM-Calaca Power Corporation (SCPC); South Premiere Power Corp. (SPPC); San Miguel Energy Corporation (SMEC); Masinloc Power Partners Co., Ltd. (MPPCL); at Therma Luzon, Inc. (TLI).
Ang PSAs, na siyang pumalit sa National Power Corporation-Transition Supply Contract (NPC-TSC), ay nakapagtala ng substantial reduction na P1.10 per kWh na hamak umanong mas mababa kumpara sa presyo ng TSC.
Dahil anila sa mababang PSA rates ay napigilan ang 28-centavo increase
sa rates ng Independent Power Producers (IPPs), Quezon Power at First Gas (Sta. Rita at San Lorenzo).
Sa kabuuan, ang mga taÂhanan na kumukonsumo ng 200 kWh ay magkakaroon ng 58-sentimo kada kWh na pagbaba sa kanilang electricity rates ngayong buwan.