MANILA, Philippines - Isang kautusan ang ipinalabas ng Department of Justice (DOJ) na nagreÂrekomenda sa pagpapalaya sa 18 hinihinalang miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) na sangkot sa pagdukot sa 6 na miyembro ng Jehovah’s Witnesses noong 2002 sa Patikul, Sulu.
Sa 12 pahinang resolusyon na nilagdaan ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong at inaprubahan ni ProÂsecutor General Claro Arellano, nakasaad na ang 13 sa naarestong suspek ay ibang tao o nagkaroon ng ‘mistaken identity’, habang ang 5 naman ay inabsuwelto dahil na rin sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Kasama sa mga naabsuwelto si Ustadz Ahmadsali Asmad Badron, dating Commissioner ng Regional Reconciliation and Unification Commission ng ARMM.
Mananatili namang akusado sa kidnap for ransom case sina Mujibar Alih Amon, Julhasan Jaani at Absar/Mansar Mangkobang Asim.