MANILA, Philippines -Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng libreng dialysis sa mahihirap na pasyente dahilan sa dumaraming bilang ng mga nagkakasakit sa kidney.
Sa House Bill 6784 na inihain ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado, dumarami na umano ang bilang ng mga pasÂyenteng mabigat ang pangangailangan sa dialysis treatment.
At marami umano sa mga ito ang hindi man lang nakakatikim ng ganitong gamutan dahil hindi kaya ng kanilang pinansyal.
Kaya’t kailangan umanong magkaroon ng equipment para sa libreng dialysis sa mga ospital ng gobyerno pati na sa malalayong lugar upang marami ang makinabang.
Itinatakda rin ng panukala ang Department of Health (DOH) na isama na sa taunan nitong budget ang pangaÂngailangan sa pondo sakaling mapagtibay na ito.